Dating GM ng PALECO, iprinoklama na bilang kinatawan ng APEC sa kongreso

NAIPROKLAMA NA bilang kinatawan sa kongreso ng Association of Philippine Electric Cooperative o APEC, si dating Palawan Electric Cooperative o PALECO General Manager Ponciano Payuyo na ngayon ay isa ng kongresista. Sa panayam sa kanya, nito lamang September 21 ng gabi siya pormal na iprinoklama at nanumpa sa kongreso sa harap ng mga kongresista. “Officially ay naiproklama na rin ako noong hindi pa nag-aadjourn ang sesyon at sinuwerte ako na nandun pa si House Speaker Sonny Belmonte, at sinuspende panandalian ang sesyon at tayo ay nakapanumpa sa harap ng mga miyembro ng kongreso,” pahayag ni Cong. Payuyo. Dagdag pa ni Payuyo, pinag-aaralan na rin nito ang mga dapat nyang gawin sa kongreso kabilang ang mga ibinigay na checklist sa kanya ng kongreso na kanyang unang gagawin bilang kinatawan ng APEC sa lower house. Ayon pa dito, may mga nakahanay na rin syang mga programa na tiyak niyang inaasahan ng mga kababayang Palawenyo 

tulad ng usaping kabahagi ng Palawan sa Malampaya na patuloy na nakabinbin sa Korte Suprema.

“Alam natin na hinihintay ng ating mga kababayan ang isyu ng Malampaya. Titingnan natin kung papaano makakatulong kasama yung ating dalawang kongresista na sina Kong. Antonio Alvarez at Kong. Dennis Socrates,” pahayag pa ni Payuyo.

Gagawa na rin ng panukala ang kongresista para mapababa ang singilin sa kuryente sa buong bansa at yung primary concern sa hindi magandang daloy ng kuryente sa lungsod ng Puerto Princesa at lalawigan ng Palawan na ayon kay Payuyo ay problema rin sa buong bansa.

Matatandaang halos tatlong buwan rin na naghintay si Payuyo bago ito tuluyang naiproklama bilang kinatawan ng APEC sa kongreso.

Si Payuyo ay matagal naging hepe ng Palawan Electric Cooperative bago ito tuluyang pumasok sa larangan ng pulitika noong nakalipas na Mayo bilang kinatawan ng APEC partylist.

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

1 Response to Dating GM ng PALECO, iprinoklama na bilang kinatawan ng APEC sa kongreso

  1. exel.fcdscvsdv says:

    ahgdyhtyhth

Leave a comment