Babala sa mga pagkaing matatamis at matataba

Ni Cheryl A. Galili

NAGBABALA ANG Tanggapan ng City Health Office sa mga mamamayan na mahilig kumain ng matataba at matatamis na pagkain lalo pa ngayong panahon ng kapaskuhan.

Ayon kay Dr. Juancho Monserate, ang matatamis na pagkain gayundin ang mga masyadong mamantika tulad ng liston ay maaring makapagdulot ng sakit tulad ng pagtaas ng altaresyon at diabetes.

Aniya, bagamat hindi ipinagbabawal ang naturang mga pagkain subalit kapag nasobrahan ng pagkain ng mga ito ay mapanganib sa katawan lalo pa sa mga nagkakaedad.

Karaniwan na sa mga Pilipino ang paghahanda ng maraming pagkain tuwing kapaskuhan at isa sa mga ito ay ang litson.

“Kaya dapat ang mga kababayan ang mga nagkakaedad ng 40 ay mag-ingat at bawas-bawasan ang pagkain na ito sapagkat ito ay maaring magtrigger ng pagtaas ng altapresyon o high blood at diabetes,” paliwanag ni Monserate.

Pinayuhan naman ng doctor ang bawat isa na kumain ng masusutansyang pagkain tulad ng gulay at prutas at ugaliin ang tamang pag-eehersisiyo  upang makaiwas sa sakit.

This entry was posted in Palawan. Bookmark the permalink.

Leave a comment